BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Monday, July 20, 2009

salen-ga experience [i did not know]


kasama ko si gf sa quiapo. naghihintay kami ng jeep pa-cubao, gusto namin yung walang tao sa tabi ng driver para dun na kaming dalawa. mga 5 minutes kaming naghintay till isang jeep ang dumaan, pinara at sinakyan namin. at me nakita akong guy na nakahawak ng signboard na binalutan lang ng plastic cover. the sign says, "D STREET OF THE GLOBALLY ROUND EARTH IS LOCALLY FLAT" napa-isip talaga ako dun sa nakalagay sa signboard nung lalake. napatitig ako dun sa board at napansin niyang nakatitig nga ako. tinanong niya ako, "tama ba?". SH*T! sobrang cool nung lalake at habang gumagalaw na ang jeep, napa-thumbs up na lang ako sa kanya. siya pala ang famous na si SALEN-GA. nakita ko na siya sa DAPITAN, wandering, walking carrying the signboard. SH*T! kelan ko kaya ulit siya makikita at nang matanong ko yung explanation niya. di ko ma-gets eh. pero cool siya.

Monday, July 13, 2009

YAYAMAN NA KAMEEEEE!!

yayaman na kame beybeh!! twxt nyo ako pag curious kayo kung paano mangyayari yun. :D

[09236333060]

Thursday, July 9, 2009

pa-cool na probinsiyana sa jeepney.. .sarap sapakin.

wala lang. kanina kase, mga bandang 2:30, wala na akong pasok. pero tang*na, naiwan ko purse ko. eh nandun *adez ko. so, pumunta akong ceu. taga-dun kase 'yung syota ko. [oo, hindi pa kami tuluyang nag-break.] so ayun. galing akong school. tinext ko ýung syota ko kase wala nga akong pera pamasahe para makauwi na ako. ayun, binigyan nya ako singkwenta tapos bumalik na sya ng klase nya. umalis na din ako. nghintay ng jeep na 'lealtad' ang karatula sa harap. after mga 3min, nakasakay na ako. maluwang pa lang ang jeep nun. me sumakay na babae. [sya yung pa-cool na probinsyana sa jeep] tapos me parang retarded na estudyanteng sumakay din. high school. wirdo ang itsura eh. eh di pinapaabot nung estudyanteng girl yung bayad nya dun sa girl na ansarap sapakin. nakita ko mismo na me nalaglag na piso mula sa bulsa nung girl na promdi na kanina pang nakatitig sa'kin [well....] at tila nagpapa-kyut. sabi nung retarded high school student, "ate, nahulog po yung piso nyo" tsaka inabot. tapos sabi nung promdi probinsyana girl na sarap sapakin, "ay, hindi akin yan". WTF??!! nagpapaka-cool sya. ayun, muntik ko nang inagaw yung piso sa retard girl at nginudngod sa bunganga nung promdi queen na pa-cool. sa tingin nya siguro eh ma-tuturn on ako sa isang girl na walang interes sa nahulog niyang barya?! an'tsip. :D [sarap sapakin]

Sunday, July 5, 2009

:D

ala na ata kami. magkakaalaman soon. :D

Saturday, July 4, 2009

tamado ngunit kulang

Eto na naman ako. Katatapos lang ng isang boteng the bar. Medyo hilo pero kaya pa kahit ilang kasi 'di ko naman nalasaan ang the bar. Parang formula lang ang nainom kong the bar. the bar= h2o + 1 drop alcohol + sugar. Ayan. Pakshet. Bitin na bitin. Kabadtrip. Sakit sa ulo 'to bukas. Mga ala-una pa daw makakauwi si insan galing sa "somewhere". Ayun. Si Ate Nida, nasa kwarto na. Nagpapalamig sa aircon na binuksan niya (mainit daw), maga na mga mata niya kanina. Si Sabel, 'yung kasambahay namin, hilo na din. Ilang beses ko din siyang narinig na sumuka. Puro asar mga natanggap niya kanina. Kasi first time daw niyang mahilo sa inuman. Kapal AMP! Hahaha. (pambading na expression). 'Nga pala, Nagtext na 'yung GF ko. Baka 'di ko na kaya pang mabuhay. Sinabi niya na gusto na niya talagang makipaghiwalay sa akin. Inamin na niya (pero 'di ko sigurado kung totoo) na me BF siyang iba. Astig!! Me timer sya. Ang lagi niyang isinusumbat sa akin at ibinibintang, siya pala ang may gawa. Ayus din siya eh noh. Tutuluyan ko na talaga sana siya. Kasi Nagsawa na din naman ako sa ugali niya. Nakakabadtrip na. Tsaka me klasmeyt na ako sa iskul. Palit niya 'pag nagkataon. Gusto ko na siya hiwalayan talaga. 'Di ko na ma-"take" mga pagmumura niya sa akin. Ewan ko kung dulot lang ng "HORMONE" 'yun. Pero "ME IBA DAW SIYA" eh. Ano ba dapat kong gawin? Pero salamat na din sa the bar. Sa first aid na tamang pinagkaloob niya sa akin. At least naging manhid, tanga, bobo, ako sa mga salitang tinext ng aking minamahal. "pnu qng sbhn ku sau na tnaymer kta?. mggng feelng mu prin b n hnhb0l kta?" ASTEEEEG.

i'm under the saya


Nasa gitna ako ng kabadtripán ngayon. Gabi. Malaya (wala si auntie, etc.). Hindi ko pa nako-contact 'yung bandmates ko.Oo, may banda ako. At may practice kami bukas. Pero hindi ko alam kung anong oras ba at kung saan magkikita-kita. Banas na ako. Gusto ko na'ng humawak ng bass guitar. Pero me nag-eepal. 'Yung syota ko. Galit na naman sa akin. Malas!! Ayaw niya ako papuntahin sa jam bukas. Shet!! Paano na? Tang ina kasing cellphone kasi 'to. Walang casing/housing kaya ako natatagalan mag-text. Akala niya ata me katext akong iba. Eto kasing syota ko walang tiwala sa akin eh. Di 'ko lang sya ma-text ng ilang minuto, nambabababae na daw ako!!! 'Nak ng tupa!! Hindi naman kasi ako pogi eh. 'Pag me ayaw siyang ginagawa ko, nagagalit siya sa 'kin (kahit metaphor palang sa isip niya at hindi ko talaga ginawa). Palibhasa, me pam-blackmail sya sa'kin ('di ko muna pwede ibulgar ngayon, par solved nalang). Ayun. Kanina lang, ng-gudbye sya. Galit. Tinanong ko kung bakit, di na sýa nagreply. Eto ako ngayon, Mukhang tanga sa harap ng laptop. Salamat sa net, kahit papano, me something new pa din kahit papano. Hinihintay na lang namin 'yung pinsan naming mahilig gumimik o mag-bar. Hinatid namin s'ya kanina sa may kanto. Nag-taxi. Pupunta kasi 'yung ex nya. Ewan ko. Nandito na din 'yung BF (boyfriend) ng katulong namin. Nagdala ng isang boteng the bar. Sali daw sya sa inuman. Sya nga pala, ewan ko
kung bakit the bar na lang ang kaya kong ipaloob ngyon. Nasanay na siguro. 'Di na kasi masikmura ng tiyan ko ang GSM na syang peborit ko noon. Ang tagal naman ni Insan Anne, tigang na ako sa alcohol. Puro na lang kasi nicotine ang pinapasok kong masama sa akin eh. Ngayon na naman ulit ang alkohol, kasi INDEPENDENCE NIGHT ngayon, wala si auntie (ang bantay), nag-ballroom siya sa probinsiya. (BALLROOM BITCH sya) at ang nakakagulat ay uwi din siya dito sa Manila after nung Ballroom. Bongga!! Mayaman si Madir!! So ayun, nagtext na si GF. Galit pa rin eh. Wag ko na daw sya itext. Pero konting lambing lang, bibigay din sya. Magkasama nga kami kanina eh. Sa gateawy kami lakad timezone-lakad-jolibee-gateway-etc. 'Yan ang ruta namin. Tsaka binili na niya ako ng KIKOMACHINE KOMIX BLG. 5!! Matagal na niyang sinasabi 'yun. Sa wakas, nasa aking mga kamay na 'yun. So dito na lang. Uumpisahan na namin ang inuman. Hulaan niyo na lang kung natuloy ako sa jam session ko. Sayang pagkakataon. FAME!! Sa GF ko?? Wag kayo mag-alala. Normal lang 'tong mga 'to sa'min. Abnormal kami. Pero iniisip ko talaga 'yung jam bukas. Hahaaaaay. Sana magbago isip niya. Kasi 'pag sinabi niya, 'un dapat. ANDRES AKO!!! F*CK.