
kasama ko si gf sa quiapo. naghihintay kami ng jeep pa-cubao, gusto namin yung walang tao sa tabi ng driver para dun na kaming dalawa. mga 5 minutes kaming naghintay till isang jeep ang dumaan, pinara at sinakyan namin. at me nakita akong guy na nakahawak ng signboard na binalutan lang ng plastic cover. the sign says, "D STREET OF THE GLOBALLY ROUND EARTH IS LOCALLY FLAT" napa-isip talaga ako dun sa nakalagay sa signboard nung lalake. napatitig ako dun sa board at napansin niyang nakatitig nga ako. tinanong niya ako, "tama ba?". SH*T! sobrang cool nung lalake at habang gumagalaw na ang jeep, napa-thumbs up na lang ako sa kanya. siya pala ang famous na si SALEN-GA. nakita ko na siya sa DAPITAN, wandering, walking carrying the signboard. SH*T! kelan ko kaya ulit siya makikita at nang matanong ko yung explanation niya. di ko ma-gets eh. pero cool siya.

