BLOGGER TEMPLATES AND TWITTER BACKGROUNDS

Saturday, July 4, 2009

i'm under the saya


Nasa gitna ako ng kabadtripán ngayon. Gabi. Malaya (wala si auntie, etc.). Hindi ko pa nako-contact 'yung bandmates ko.Oo, may banda ako. At may practice kami bukas. Pero hindi ko alam kung anong oras ba at kung saan magkikita-kita. Banas na ako. Gusto ko na'ng humawak ng bass guitar. Pero me nag-eepal. 'Yung syota ko. Galit na naman sa akin. Malas!! Ayaw niya ako papuntahin sa jam bukas. Shet!! Paano na? Tang ina kasing cellphone kasi 'to. Walang casing/housing kaya ako natatagalan mag-text. Akala niya ata me katext akong iba. Eto kasing syota ko walang tiwala sa akin eh. Di 'ko lang sya ma-text ng ilang minuto, nambabababae na daw ako!!! 'Nak ng tupa!! Hindi naman kasi ako pogi eh. 'Pag me ayaw siyang ginagawa ko, nagagalit siya sa 'kin (kahit metaphor palang sa isip niya at hindi ko talaga ginawa). Palibhasa, me pam-blackmail sya sa'kin ('di ko muna pwede ibulgar ngayon, par solved nalang). Ayun. Kanina lang, ng-gudbye sya. Galit. Tinanong ko kung bakit, di na sýa nagreply. Eto ako ngayon, Mukhang tanga sa harap ng laptop. Salamat sa net, kahit papano, me something new pa din kahit papano. Hinihintay na lang namin 'yung pinsan naming mahilig gumimik o mag-bar. Hinatid namin s'ya kanina sa may kanto. Nag-taxi. Pupunta kasi 'yung ex nya. Ewan ko. Nandito na din 'yung BF (boyfriend) ng katulong namin. Nagdala ng isang boteng the bar. Sali daw sya sa inuman. Sya nga pala, ewan ko
kung bakit the bar na lang ang kaya kong ipaloob ngyon. Nasanay na siguro. 'Di na kasi masikmura ng tiyan ko ang GSM na syang peborit ko noon. Ang tagal naman ni Insan Anne, tigang na ako sa alcohol. Puro na lang kasi nicotine ang pinapasok kong masama sa akin eh. Ngayon na naman ulit ang alkohol, kasi INDEPENDENCE NIGHT ngayon, wala si auntie (ang bantay), nag-ballroom siya sa probinsiya. (BALLROOM BITCH sya) at ang nakakagulat ay uwi din siya dito sa Manila after nung Ballroom. Bongga!! Mayaman si Madir!! So ayun, nagtext na si GF. Galit pa rin eh. Wag ko na daw sya itext. Pero konting lambing lang, bibigay din sya. Magkasama nga kami kanina eh. Sa gateawy kami lakad timezone-lakad-jolibee-gateway-etc. 'Yan ang ruta namin. Tsaka binili na niya ako ng KIKOMACHINE KOMIX BLG. 5!! Matagal na niyang sinasabi 'yun. Sa wakas, nasa aking mga kamay na 'yun. So dito na lang. Uumpisahan na namin ang inuman. Hulaan niyo na lang kung natuloy ako sa jam session ko. Sayang pagkakataon. FAME!! Sa GF ko?? Wag kayo mag-alala. Normal lang 'tong mga 'to sa'min. Abnormal kami. Pero iniisip ko talaga 'yung jam bukas. Hahaaaaay. Sana magbago isip niya. Kasi 'pag sinabi niya, 'un dapat. ANDRES AKO!!! F*CK.

0 comments: